Water Advisory
Back
ADVISORY
Sep 19,2025 12:00:23 PM
Ipinapaalam ng KWD sa publiko na nagsimula na itong gumamit ng Chlorine Dioxide na pang dis-impekta ng tubig. Sa panahon ng transisyon o pagpapalit ng pang dis-impekta ay may mararanasang bahagyang pagbabago sa kulay ng tubig, ngunit makakaasa pa rin ang lahat na ligtas pa ring inumin ang tubig mula sa KWD. Ang mga apektadong lugar ay ang mga sumusunod: • Barangay Osias; • Barangay Poblacion (northern part: Sinamar 2 Street hanggang Mercado Street; at southern part: Bonifacio Street); • Barangay Lower Paatan; at • Barangay Cuyapon Para sa mga katanungan o karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa KWD sa Mobile Hotline 0908-884-3384, KWD Facebook page/Messenger, o sa email info@kabacan-water.gov.ph. Maraming salamat po.